PDF Print E-mail
Mga Gintong Aral ni Yahweh El Shaddai

Ang Tupa

Sa mga bansa sa Europa, ang pangkaraniwang hayop na inaalagaan ng mga mamamayan ay ang tupa. Ito'y madalas na dinadala ng pastol sa isang malawak na pastulan upang pakainin at painumin. Ngunit ang tupa ay sadyang mahilig magpunta sa tabi ng bangin dahil malago at sariwa ang mga damo roon. Habang napapalapit ang tupa sa bangin, ito'y tinatawag na ng pastol. Subalit kalimitan ay hindi pinapansin ng tupa ang panawagan ng pastol kaya ito'y nahuhulog sa bangin at nasasabit sa malalaking kahoy na nasa gilid noon.

Kung kukunin agad ng pastol ang tupa, tiyak na manlalaban ito at lalo lamang mapapahamak. Kaya't maghihintay na lamang ang pastol na mawalan muna ito ng lakas upang sa kanyang paglapit, ito ay maamo na. Sapagkat mahal ng pastol ang tupa, yayakapin niya ito at ilalagay sa kanyang balikat. Habang binubuhat ito, sasabihin ng pastol, "Ikaw, matuto ka na sa buhay."

Ano ang ibig sabihin nito sa ating buhay?

Kadalasan ang tao ay tulad ng tupa na sadyang mahilig magpunta sa gilid ng bangin ng kapamahakan at hindi pinakikinggan ang panawagan ng kanyang pastol. Lingid sa ating kaalaman, ang nagaganap na mga pagsubok sa ating buhay ay iilan lamang sa mga palatandaan na tayo'y mahuhulog na sa bangin ng tiyak na kapamahakan! At tulad ng isang mabuting pastol, ang Diyos ay patuloy na nananawagan sa atin upang tayo'y bigyang babala sa ating kahahantungan!

Nais kong ibahagi sa inyo ang patotoo ng isang kapatid nating si Bro. Eliseo Bicaldo. Ayon sa kanya: "Ako'y isang negosyante na dati'y naligaw ng landas dahil sa tagumpay, salapi, at karangyaan. Nagkaroon ako ng mga ari-arian, mga bahay, lupain, magagarang sasakyan, at mga investments dito sa Pilipinas at sa iba't ibang bansa. Ginamit ko ang aking salapi sa mga bisyo ( alak, babae, sigarilyo, sugal at iba pa) at sa iba pang kalayawan. Ngunit dumating ang panahong nasunog ang aking opisina, display building, warehouse, shop at lumang bahay. Bukod pa rito, isa-isang bumagsak ang aking mga negosyo. Hindi ko alam na sa mga pangyayaring ito ako pala'y tinatawag na ng Panginoon upang magbalik-loob sa Kanya. Hindi man lamang ako natinag at naitayo kong muli ang aking mga negosyo. Ngunit noong Oktubre 8, 1992, ni-raid ng mga pulis ang aming tahanan sa Ayala-Alabang. Dinala nila ang aking mga sasakyan at ako'y ikinulong sa loob ng siyam na araw sa paratang na ako'y isang carnapper at financer ng sindikato. Naging laman ako halos ng lahat ng pahayagan, radyo, at TV dito sa atin at sa ibang bansa. Salamat sa Diyos, dahil sa gitna ng aking kagipitan, nasumpungan ko ang Panginoon na matagal nang tumatawag ng aking pansin. Binigyan ako ng aking kapatid ng isang panyolito na may nakasulat na El Shaddai at Salmo 91. Binasa ko iyon at tumimo sa aking puso ang mga Salita ng Diyos na nakasulat doon. Dahil dito, pinagsisihan ko ang aking mga kasalanan at aking pagwawalang-bahala sa Panginoon. Hiniling ko sa Kanya na kapag tuluyan na akong nakalaya, ako'y dadalo sa ating pagtitipon. Praise God, isang araw, tumanggap ako ng order mula sa Supreme Court na sa pamamagitan ng writ of habeas corpus ako'y malaya na! Noong Oktubre 27, 1992, ako'y dumalo sa El Shaddai DWXI-PPFI Fellowship sa Amorsolo at nagpatotoo sa mga himalang aking natanggap mula sa ating Panginoon! Pagkaraan ng isang buwan, ini-release ng Makati Regional Trial Court ang apat na sasakyang kinuha ng mga pulis sa akin. Mula noon, tinalikdan ko na ang aking makamundong gawain at ako'y nagbagumbuhay. Pinagaling din ako ng ating Panginoon sa karamdamang asthma at high blood. Ang aming tahanan ngayon ay naging mapayapa na at ang naghahari doon ay ang ating Panginoong Jesu-Cristo!"

Pinahintulutan ng panginoon na tayo'y dumaan sa matitinding pagsubok upang turuan tayong magpakumbaba at maunawaan natin na ang ating sariling pamamaraan ay walang mabuting idudulot sa atin. Hinihintay Niya na isuko natin ang lahat sa Kanya at kilalanin ang katotohanang wala tayong magagawa kung tayo'y hiwalay sa Kanya!

Tunay na dakila at napakabuting Pastol ang ating Yahweh El Shaddai dahil Siya'y laging nakahandang tumulong at magligtas sa atin!

"Si Yahweh ang aking Pastol, hindi ako magkukulang. Ako'y pinahihimlay sa mainan na pastulan at inaakay Niya ako sa tahimik na batisan, binibigyan Niya ako niyong bagong kalakasan. At sang-ayon sa pangako na Kanyang binitawan sa matuwid na landasi'y doon ako inaakay." (Awit 23:1-3)

 

Radio DWXI 1314KHz

User Login



Shout Your Message

Latest Message: 3 years, 7 months ago
  • Bro. Arman : SMILEY_AM Invitation to all for our Monday Gawain (Fellowship), Virgin Mary Hall (Basement), 7:00 pm. Let us all worship and praise our resurrected Jesus Christ. God bless us all.
  • Bro. Arman : SMILEY_AM
  • Bro. Arman : El Shaddai DWXI PPFI Kuwait Chapter, weekly fellowship (Gawain) March 21, 2014, Good Shepherd Hall, Holy Family Cathedral (First Floor), After the Tagalog Mass, 5:00 pm to 7:00 pm. Please join us in praising and worshiping our dear Yawheh El Shaddai. See you.
  • lhyn : Good am.po bro.arman may gawain po ba ngayon?
  • Bro. Arman : SMILEY_AM
  • Bro. Arman : SMILEY_AM
  • Bro. Arman : "Lord Jesus, you became a servant for my sake to set me free from the tyranny of sin, selfishness, and conceit. Help me to be humble as you are humble and to love freely and graciously all whom you call me to serve." SMILEY_ANGEL
  • mariaelena_m : SMILEY_AM SMILEY_THANKS
  • Bro. Arman : "Lord Jesus, be the ruler of my heart and thoughts, be the king of my home and relationships, and be the master of my work and service. Help me to make good use of the gifts, talents, time, and resources you give me for your glory and your kingdom." SMILEY_WAVE
  • Armand : A blessed day to all. Today something good is going to happen to you, claim it in Jesus Name! Smile
  • Bro. Arman : hello po edilvertojco... to po ang contact number no Bro. Robert 55407496
  • edilbertojco : good morning. gusto ko po malaman mobile # ni Bro. Robert hindi ko siya makontak sa # na ito 66287784
  • Bro. Arman : EL SHADDAI 1st Middle East Convention and Healing Rally - The Amazing Power of Faith, Love and Unity, November 23, 2012, 6:00 pm to 10:30 pm, St. Mary's Catholic Church, Dubai United Arab Emirates. Come and let us all Experience God's Annointing, Healing Power, Deliverance, Financial Blessings through the Promises of God. For more info, contact the below nos. UAE - Bro. Bobby Cruz - +971 55 5355184 Kuwait - Bro. Arman Vegiga - +965 55310121 Oman - Sis. Carmen Sandoval - +968 24740939
  • Bro. Arman : @ Live_by_Grac, thank you po sa inyong observation and suggestion, rest assured po na we will consider it. God bless po.
  • Live_by_Grac : sana mag improve ang teachings para mas makahikaya at ma enlighten pa ang mga prayerpartners dito sa kuwait... kasi ang teaching always and almost nalang para natin laging sina sabi sa Bro and sis nati na Repent etc.. sana ang ituro naman natin is GRACE OF GOD and LOVE of GOD ksi sa totoo lang GOD Doesnt care ano pa kasalanan mo,ako or anyone because we are already save God want us to live in Grace not self pitty self condemn
  • sis. gin : HAPPY 28TH ANNIVERSARY SA ATING LAHAT BUONG MUNDO MGA BRO- AND SISTERS IN CHRIST. DWXI PPFI EL SHADDAI HAPPY HAPPY ANNIVERSARY
  • sis. gin : happy sunday mga bro.and sisters thank you so much sa pamamagitan ng link ninyo nakapakinig ako ng live sa pilipinas tuwing saturday at kayo ginamit ni LORD makapakinig kami ng live sa eportal radio nahihirapan ako mag login through your link kami nadidiligan ng mabuting balita pagpalain lagi ni Yahwe ang gawain Niya buong mundo lalo na ang mga lingkod Niya maisabuhay ang mabuting balita.thank you thank you Yahweh El Shaddai gabayan mopo ang DWXI PPFI manatili buhay ang salita Niya maihatid sa b
  • Bro. Arman : Smile Thank you po Sis. Gin...God bless you and your family....
  • sis. gin : IN CHRIST JESUS
  • sis. gin : happy 19 anniversary kuwait mga bro. and sisters in Christ. GOD BLESS US ALL LOVE

Only registered users are allowed to post

Who's Online

We have 28 guests online
El Shaddai DWXI Prayer Partners Fellowship International, Copyright 2011