PDF Print E-mail
Mga Gintong Aral ni Yahweh El Shaddai

Ang Drayber

Ang drayber ang siyang nagmamaneho ng dyip, trak, bus, kotse o anumang uri ng sasakyan. Kapag siya'y nagmamaneho, nararapat lamang na siya ang masunod dahil siya ang nakakaalam ng daraanan.

Minsan, ako'y inanyayahang maghayag ng Salita ng Diyos sa isang prayer meeting sa Kalookan. Mula sa amorsolo, dumaan kami ng aking drayber sa Port Area. Ngunit dahil masyadong masikip ang traffic doon, itinuro ko sa kanya ang isang daan na sa akala ko'y mas maluwag. Sumunod naman sa akin ang aking drayber. Hindi nagtagal, doon pala sa nilipatan naming daan ay halos isang oras nang hindi gumagalaw ang mga sasakyan. Sa tingin ko'y naiinip na ang aking drayber subalit tahimik lamang siya. Hindi ko naman siya masisi dahil ako ang nagturo sa kanya ng daan iyon.

 

Ano ang ibig sabihin nito sa ating buhay?

Sa ating pang-araw-araw na pamumuhay dito sa mundo, ang Panginoong Jesu-Cristo ang dapat manguna bilang Drayber ng ating buhay. Alam Niya ang ating daraananm ang ating kailangan at ang makabubuti sa atim. Ngunit kapag patuloy tayong aasa sa sarili nating karunungan at makikialam sa kalooban ng Maykapal ay patuloy tayong makararanas ng kaguluhan, kahirapan at kapighatian sa ating buhay.

Subalit sa sandaling ipagkatiwala natin sa kamay ng Diyos, hindi lamang ang ating suliranin kundi ang lahat sa ating buhay, magagawa niyang tugunin ang ating mga pangangailangan at pagalingin ang ating mga karamdaman. Umasa at manalig tayo sa Diyos, at makikita natin ang Kanyang himala. Siya ay laging nakahandang magbigay ng biyaya ay magbago ng ating buhay.

Kaya nararapat na huwag na tayong mangangatwiran at magmamarunong. Isuko na natin sa Kanya ang lahat sa ating buhay; tayo'y manalig, manampalataya at tumanggap kay Jesu-Cristo bilang ating Panginoon at Tagapagligtas. Siya na ang lagi nating sundin sapagkat auon sa nasusulat, "Kay Yahweh ka magtiwala, buong puso at lubusan, at huwag kang mananahan sa sariling karunungan. Siya at sangguniin sa lahat mong mga balak, at Kanya kang itutumpak sa lahat ng iyong lakad" (Kawikaan 3:5-6)

 

"Ipagkatiwala ninyo sa Kanya ang inyong mga kabalisahan sa buhay sapagkat Siya ang kumukupkop sa inyo." (1Pedro 5:7)

 

Radio DWXI 1314KHz

User Login



Shout Your Message

Latest Message: 3 years, 7 months ago
  • Bro. Arman : SMILEY_AM Invitation to all for our Monday Gawain (Fellowship), Virgin Mary Hall (Basement), 7:00 pm. Let us all worship and praise our resurrected Jesus Christ. God bless us all.
  • Bro. Arman : SMILEY_AM
  • Bro. Arman : El Shaddai DWXI PPFI Kuwait Chapter, weekly fellowship (Gawain) March 21, 2014, Good Shepherd Hall, Holy Family Cathedral (First Floor), After the Tagalog Mass, 5:00 pm to 7:00 pm. Please join us in praising and worshiping our dear Yawheh El Shaddai. See you.
  • lhyn : Good am.po bro.arman may gawain po ba ngayon?
  • Bro. Arman : SMILEY_AM
  • Bro. Arman : SMILEY_AM
  • Bro. Arman : "Lord Jesus, you became a servant for my sake to set me free from the tyranny of sin, selfishness, and conceit. Help me to be humble as you are humble and to love freely and graciously all whom you call me to serve." SMILEY_ANGEL
  • mariaelena_m : SMILEY_AM SMILEY_THANKS
  • Bro. Arman : "Lord Jesus, be the ruler of my heart and thoughts, be the king of my home and relationships, and be the master of my work and service. Help me to make good use of the gifts, talents, time, and resources you give me for your glory and your kingdom." SMILEY_WAVE
  • Armand : A blessed day to all. Today something good is going to happen to you, claim it in Jesus Name! Smile
  • Bro. Arman : hello po edilvertojco... to po ang contact number no Bro. Robert 55407496
  • edilbertojco : good morning. gusto ko po malaman mobile # ni Bro. Robert hindi ko siya makontak sa # na ito 66287784
  • Bro. Arman : EL SHADDAI 1st Middle East Convention and Healing Rally - The Amazing Power of Faith, Love and Unity, November 23, 2012, 6:00 pm to 10:30 pm, St. Mary's Catholic Church, Dubai United Arab Emirates. Come and let us all Experience God's Annointing, Healing Power, Deliverance, Financial Blessings through the Promises of God. For more info, contact the below nos. UAE - Bro. Bobby Cruz - +971 55 5355184 Kuwait - Bro. Arman Vegiga - +965 55310121 Oman - Sis. Carmen Sandoval - +968 24740939
  • Bro. Arman : @ Live_by_Grac, thank you po sa inyong observation and suggestion, rest assured po na we will consider it. God bless po.
  • Live_by_Grac : sana mag improve ang teachings para mas makahikaya at ma enlighten pa ang mga prayerpartners dito sa kuwait... kasi ang teaching always and almost nalang para natin laging sina sabi sa Bro and sis nati na Repent etc.. sana ang ituro naman natin is GRACE OF GOD and LOVE of GOD ksi sa totoo lang GOD Doesnt care ano pa kasalanan mo,ako or anyone because we are already save God want us to live in Grace not self pitty self condemn
  • sis. gin : HAPPY 28TH ANNIVERSARY SA ATING LAHAT BUONG MUNDO MGA BRO- AND SISTERS IN CHRIST. DWXI PPFI EL SHADDAI HAPPY HAPPY ANNIVERSARY
  • sis. gin : happy sunday mga bro.and sisters thank you so much sa pamamagitan ng link ninyo nakapakinig ako ng live sa pilipinas tuwing saturday at kayo ginamit ni LORD makapakinig kami ng live sa eportal radio nahihirapan ako mag login through your link kami nadidiligan ng mabuting balita pagpalain lagi ni Yahwe ang gawain Niya buong mundo lalo na ang mga lingkod Niya maisabuhay ang mabuting balita.thank you thank you Yahweh El Shaddai gabayan mopo ang DWXI PPFI manatili buhay ang salita Niya maihatid sa b
  • Bro. Arman : Smile Thank you po Sis. Gin...God bless you and your family....
  • sis. gin : IN CHRIST JESUS
  • sis. gin : happy 19 anniversary kuwait mga bro. and sisters in Christ. GOD BLESS US ALL LOVE

Only registered users are allowed to post

Who's Online

We have 16 guests online
El Shaddai DWXI Prayer Partners Fellowship International, Copyright 2011